Katapusang Hibik Ng Pilipinas | ||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||
Andres Bonifacio | ||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||
Spanish Period | ||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||
Sumikat na Ina sa sinisilangan ang araw ng poot ng Katagalugan, tatlong daang taong aming iningatan sa dagat ng dusa ng karalitaan. Walang isinuhay kaming iyong anak sa bagyong masasal ng dalita't hirap; iisa ang puso nitong Pilipinas at ikaw ay di na Ina naming lahat. Sa kapuwa Ina'y wala kang kaparis... ang layaw ng anak: dalita't pasakit; pag nagpatirapang sa iyo'y humibik, lunas na gamot mo ay kasakit-sakit. Gapusing mahigpit ang mga Tagalog, hinain sa sikad, kulata at suntok, makinahi't biting parang isang hayop; ito baga, Ina, ang iyong pag-irog? Ipabilanggo mo't sa dagat itapon; barilin, lasunin, nang kami'y malipol. Sa aming Tagalog, ito baga'y hatol Inang mahabagin, sa lahat ng kampon? Aming tinitiis hanggang sa mamatay; bangkay nang mistula'y ayaw pang tigilan, kaya kung ihulog sa mga libingan, linsad na ang buto't lumuray ang laman. Wala nang namamana itong Pilipinas na layaw sa Ina kundi pawang hirap; tiis ay pasulong, patente'y nagkalat, rekargo't impuwesto'y nagsala-salabat. Sarisaring silo sa ami'y inisip, kasabay ng utos na tuparing pilit, may sa alumbrado---kaya kaming tikis, kahit isang ilaw ay walang masilip. Ang lupa at buhay na tinatahanan, bukid at tubigang kalawak-lawakan, at gayon din pati ng mga halaman, sa paring Kastila ay binubuwisan. Bukod pa sa rito'y ang mga iba pa, huwag nang saysayin, O Inang Espanya, sunod kaming lahat hanggang may hininga, Tagalog di'y siyang minamasama pa. Ikaw nga, O Inang pabaya't sukaban, kami'y di na iyo saan man humanggan, ihanda mo, Ina, ang paglilibingan sa mawawakawak na maraming bangkay. Sa sangmaliwanag ngayon ay sasabog ang barila't kanyong katulad ay kulog, ang sigwang masasal sa dugong aagos ng kanilang bala na magpapamook. Di na kailangan sa iyo ng awa ng mga Tagalog, O Inang kuhila, paraiso namin ang kami'y mapuksa, langit mo naman ang kami'y madusta. Paalam na Ina, itong Pilipinas, paalam na Ina, itong nasa hirap, paalam, paalam, Inang walang habag, paalam na ngayon, katapusang tawag. | ||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||
http://www.angelfire.com/la2/poemen/Katpm.html |
Saturday, January 15, 2011
Katapusang Hibik ng Pilipinas
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
Many things happened in this world everyday and everywhere which man cannot predict, we can only say "its God's will"
ReplyDeleteThe suffering of the Filipino people under Spanish colonization left a remarkable mark in every heart of the Filipino people.
The writer seems losing faith but his words tells something-A Prayer- for it was the best medicine man can ever have in times of tearful supplication.
Philippines is for the Filipino.
Filipino is for the Philippines.
1. Many things happened in this world everyday and everywhere which man cannot predict, we can only say "its God's will"
ReplyDeleteThe suffering of the Filipino people under Spanish colonization left a remarkable mark in every heart of the Filipino people.
The writer seems losing faith but his words tells something-A Prayer- for it was the best medicine man can ever have in times of tearful supplication.
Philippines is for the Filipino.
Filipino is for the Philippines.
2. Be strong!
ReplyDelete3. Don't ever think that certain limitations hinder you from doing what you want.
ReplyDelete4. How can you be expected to do a great job if you don't believe that you can.
ReplyDeleteBe wise!
ReplyDelete